Saturday, May 26, 2007

"Wala Lang" Page

Yay. Akalain mong nakagawa ako ng blog?!^-^
Dahil ito ang unang post, puro kagagahan ko lang muna...hehehe...
Wala naman akong alam sa ART. Masgugustuhin ko pang matulog kesa tumingin sa painting. Pero ayos lang. Para matuto. Problema ko lang kung ano masasabi ko tungkol sa ART. Alangan namang puro, "Aww, how pretty!" ilagay ko tungkol sa mga painting at watebur. O kaya, "It's nice...^_^" . Sayaw nalang tayo La cucaracha...haha-kurne.
Pero seryoso...wala talaga kong alam sa art.
Kaartehan marami...pero art?
Kung napansin nyo, Filipino gamit ko na lenguahe. Marungong naman ako mag-english kaso prone ako sa wrong grammar kaya matinding pag-eedit kelangan ko eh inaantok na ko. Kaya eto. Sa mga kunwaring hindi marunong mag-tagalog...ok lang yun, hehehe.
Saka nalang ako mag-eengling. Pag nasa ulirat ako...haha.
Pero di ko paring talaga alam isusulat ko...

...

...

...

Sa susunod nalang...aayusin ko pa 'to...hahaha...